{"title":"Pangapug: Pagdalumat sa Pundasyon ng mga Ritwal ng Tribong Talaandig sa Lantapan, Bukidnon","authors":"Judith Camino Singcolan","doi":"10.57200/apjsbs.v20i0.311","DOIUrl":null,"url":null,"abstract":" Abstrak \nPangunahing tunguhin sa pag-aaral na ito na mabigyang kahulugan ang mga katawagang panritwal upang mailahad at madalumat ang Pangapug na ritwal ng tribong Talaandig. Ilalahad rin kung ano-ano ang paniniwala, kaugalian at kung paano pinapahalagahan ng tribo ang kanilang mga katawagang panritwal. Bunga ng nabanggit na mga layunin, pinagsikapang mabigyan ng paliwanag ang sumusunod na katanungan: 1. Ano ang Pangapug na ritwal ng tribong Talaandig sa Lantapan Bukidnon? 2. Ano-ano ang mga katawagang panritwal na napapaloob sa ritwal na ito? 3. Ano-ano ang mga paniniwala at kaugaliang nasasalamin dito? \n \nPangunahing pamamaraang ginamit sa pag-aaral ang Kwalitatibong disenyo sa uring deskriptibong pananaliksik. Gumamit rin ng etnograpikong pamamaraan ang pag-aaral sapagkat ilang beses na bumisita ang mananaliksik sa lugar kung saan ginanap ang pag-aaral upang personal na makahalubilo at makausap ang mga impormante. Nagkaroon rin ng aktwal na partisipasyon ang mananaliksik sa ritwal ng tribo. Pagkatapos, isinagawa ang interbyu at focus group discussion upang higit na maunawaan at mabigyan ng malinaw na interpretasyon ang mga datos. \n \nLumabas sa pag-aaral na ang Pangapug na ritwal ay sadyang isinasagawa bago pa man gawin ang iba pang mga ritwal lalong-lalo na ang mga pangunahing ritwal ng tribo. Natuklasan rin na maraming katawagang panritwal na nagtataglay ng kahulugan at simbolo na ginagamit sa pagsasagawa ng pangapug na ritwal. Mayroon ring nakapaloob na mga paniniwala at kaugalian sa mga katawagang panritwal na ito. \n \nDahil mayaman sa mga kultural na katawagan ang Pangapug na ritwal, inirerekomendang magsasagawa pa ng pag-aaral hinggil sa iba pang ritwal ng tribong Talaandig at mga indehinus na grupo sa Pilipinas at maaaring gawan rin ng pagsusuri ang wika ng kanilang ritwal upang matukoy kung ano-anong paniniwala at kaugalian ang nakapaloob rito. Sa pamamagitan nito higit nilang makikilala, maiintindihan at lalong maunawaan ang kanilang tribo. \n \nMga susing-salita: pangapug, Mangangapug, inapugan, kapandulang ","PeriodicalId":233251,"journal":{"name":"Asia Pacific Journal of Social and Behavioral Sciences","volume":"6 1","pages":"0"},"PeriodicalIF":0.0000,"publicationDate":"2022-12-25","publicationTypes":"Journal Article","fieldsOfStudy":null,"isOpenAccess":false,"openAccessPdf":"","citationCount":"0","resultStr":null,"platform":"Semanticscholar","paperid":null,"PeriodicalName":"Asia Pacific Journal of Social and Behavioral Sciences","FirstCategoryId":"1085","ListUrlMain":"https://doi.org/10.57200/apjsbs.v20i0.311","RegionNum":0,"RegionCategory":null,"ArticlePicture":[],"TitleCN":null,"AbstractTextCN":null,"PMCID":null,"EPubDate":"","PubModel":"","JCR":"","JCRName":"","Score":null,"Total":0}
引用次数: 0
Abstract
Abstrak
Pangunahing tunguhin sa pag-aaral na ito na mabigyang kahulugan ang mga katawagang panritwal upang mailahad at madalumat ang Pangapug na ritwal ng tribong Talaandig. Ilalahad rin kung ano-ano ang paniniwala, kaugalian at kung paano pinapahalagahan ng tribo ang kanilang mga katawagang panritwal. Bunga ng nabanggit na mga layunin, pinagsikapang mabigyan ng paliwanag ang sumusunod na katanungan: 1. Ano ang Pangapug na ritwal ng tribong Talaandig sa Lantapan Bukidnon? 2. Ano-ano ang mga katawagang panritwal na napapaloob sa ritwal na ito? 3. Ano-ano ang mga paniniwala at kaugaliang nasasalamin dito?
Pangunahing pamamaraang ginamit sa pag-aaral ang Kwalitatibong disenyo sa uring deskriptibong pananaliksik. Gumamit rin ng etnograpikong pamamaraan ang pag-aaral sapagkat ilang beses na bumisita ang mananaliksik sa lugar kung saan ginanap ang pag-aaral upang personal na makahalubilo at makausap ang mga impormante. Nagkaroon rin ng aktwal na partisipasyon ang mananaliksik sa ritwal ng tribo. Pagkatapos, isinagawa ang interbyu at focus group discussion upang higit na maunawaan at mabigyan ng malinaw na interpretasyon ang mga datos.
Lumabas sa pag-aaral na ang Pangapug na ritwal ay sadyang isinasagawa bago pa man gawin ang iba pang mga ritwal lalong-lalo na ang mga pangunahing ritwal ng tribo. Natuklasan rin na maraming katawagang panritwal na nagtataglay ng kahulugan at simbolo na ginagamit sa pagsasagawa ng pangapug na ritwal. Mayroon ring nakapaloob na mga paniniwala at kaugalian sa mga katawagang panritwal na ito.
Dahil mayaman sa mga kultural na katawagan ang Pangapug na ritwal, inirerekomendang magsasagawa pa ng pag-aaral hinggil sa iba pang ritwal ng tribong Talaandig at mga indehinus na grupo sa Pilipinas at maaaring gawan rin ng pagsusuri ang wika ng kanilang ritwal upang matukoy kung ano-anong paniniwala at kaugalian ang nakapaloob rito. Sa pamamagitan nito higit nilang makikilala, maiintindihan at lalong maunawaan ang kanilang tribo.
Mga susing-salita: pangapug, Mangangapug, inapugan, kapandulang